Nagkalat ang mga nota ng sireno sa Dyesebel
PAIINITIN na nina Anne Curtis, Gerald Anderson, Andi Eigenmann, at Sam Milby ang gabi ng TV viewers ngayong Lunes (Marso 17) sa pagsisimula ng kuwento ng pinakamamahal na sirena ng mga Pilipino sa pinakamalaking teleserye ng taon na “Dyesebel.”
Halaw sa obra maestra ng Hari ng Pinoy Komiks na si Mars Ravelo, ang “Dyesebel” ng ABS-CBN ay sesentro sa kwento ng dalagang ipinanganak na sirena na si Dyesebel (Anne), ang bunga ng pagmamahalan ng babaeng si Lucia (Dawn Zulueta) at ng sireno na si Prinsipe Tino (Albert Martinez).
Matapos lumaki sa mundo ng mga sirena, isang malaking hamon ang nakatakdang harapin ni Dyesebel sa pagtuklas niya sa daigdig ng kanyang tunay na ina—ang mundo ng mga tao.
Kaya bang talikuran ni Dyesebel ang mundo na kanyang kinalakihan? Matatagpuan na ba niya sa lupa ang inaasam-asam niyang pagmamahal at pagtanggap o dito niya mararanasan ang mas matinding kalupitan?
Bukod kina Anne, Gerald, Andi at Sam, kukumpleto sa powerhouse cast ng “Dyesebel” ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya ng showbiz na sina Dawn, Gabby Concepcion, ZsaZsa Padilla, at Gina Pareño, at sina Albert, Eula Valdez at AiAi delas Alas para sa kanilang natatanging pagganap.
Bahagi rin ng “Dyesebel” sina Bangs Garcia, Ogie Diaz, Neil Coleta, David Chua, Young JV, Markki Stroem, Bodie Cruz, Nico Antonio at Erin Ocampo.
Sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Francis Pasion, ang “Dyesebel” ay ang pinakabagong TV masterpiece mula sa Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng top-rating fantaseryeng “Aryana,” phenomenal drama series na “Walang Hanggan,” at hit superhero series na “Juan dela Cruz.”
Anyway, tuloy-tuloy ang shooting ng seryeng ito sa iba’t ibang karagatan ng bansa, at balitang inspirado raw ang lahat lalo na ang dalawang direktor na sina direk Don at direk Francis dahil sa rami ng mga sirenong kasali rito na parating namumukol ang mga harapan lalo na kapag basa ang kanilang mga suot na damit pang-ibaba.
Siniguro rin nilang hindi luluwa ang boobs ni Anne dahil nilagyan nila ito ng special na takip na water proof. Samantalang hirap naman daw lumangoy si Ai Ai dahil sa laki ng dibdib nito. Pero bentahe naman sa kanya ito dahil hindi siya hirap sumisid. Hehehe!
ARTICLE FROM REMATE.PH

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento