Unlimited Information

Linggo, Marso 16, 2014

Sunday, March 16, 2014

Ang misteryosong bagong ‘papa’ ni Kris A., …bow!

ANO ba ‘yan? Kung sino ang madikit kay Kris Aquino na hombre ay iisa ang conclusion ng mga tao,dyowa niya. Madre Mia! ‘di na ba puwede siyang makipagkaibigan kahit kanino? Tulad ngayon may lumitaw na naman na sekretong boyfriend daw ni Kris isang Gobernador ng Bataan na si Gob. Abet Garcia.
Baka naman nagkita lang ang dalawa sa isang political event at nakipag-picture-picture lang ang politiko kay Kris at alam nitong lalaki na kapag lumabas ang litrato nilang dalawa, presto! mapag-uusapan silang dalawa.
Oo nga naman naisulat na at kumalat na sa internet ang picture na ‘yan na galing ng Instagram at napagbintangan tuloy ang gobernador na ginagamit si Kris or the other way around. Knowing Kris also, gustung-gusto nito na nasa limelight siya parati. Palaisipan tuloy ngayon ang ginawa niyang pag-delete ng nasabing larawan na siya rin ang nag-post.
Kaya kaabang-abang ang susunod balita sa isa pang natsi-tismis sa kanya na may hawig daw sa dati niyang asawa na si James Yap.
Si Solenn Heussaff na pala ang ipinalit na leading lady ni Vhong Navarro sa pagtatambalan sana nilang pelikula para sa Regal Films na pinamagatang The Posseed isang comedy horror na si Bb. Joyce Bernal ang director. Ni-reject daw ni Vhong si Ellen Adarna sa dahilan na kaibigan daw ito ni Cedric Lee.
Madre de Diyos perdon! Ano naman ang kinalaman dito ni Ellen sa kaso nina Cedric at Vhong?
At ang katwiran ng kampo ni Vhong ang pagkakaibigan daw nina Ellen Adarna at Cedric Lee ang siyang dahilan para tanggihan ito na maging kapareha niya at baka raw mailang lang ang komedyante kung ipagpapatuloy pa rin ang pagpareha sa kanya ng seksi at napakagandang Cebuana.
Say mo, may ilangan factor pala.
Char! Hahahahahahaha!
But anyways, meron namang project si Ellen sa ABS-CBN, ang Moon of Desire na si JC de Vera ang bidang lalaki at ka-love triangle ang magaling ng umarte na si Meg Imperial. Ciao Bambino!



ARTICLE FROM REMATE.PH  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento